Wednesday, December 3, 2008
ang ginaw -_-
nitong ika-dalawampu't-anim ng nobyembre taong dalawang libo't walo'y magaganap ang pinakahihintay ng maraming tao. at ito ay ang pagpapalabas ng pelikulang "twilight" na hango sa isang aklat na may parehong pamagat. at ako ay isa sa mga taong pumila upang makabili ng tiket para panuorin ito.... mga tatlong araw bago pa man ito ipalabas, ako ay nagtext sa aking mga kaibigan kung sino ang nais sumama sa akin na manood ng twilight sa sine(para sa akin ay bago ito,dahil hindi naman talaga ako ang taong mahilig manood lalo na ang magbasa). sa pag-aakalang walang nais sumama kaya naisipan kong wag na lamang itong panuorin, ngunit matapos akong magtext ay may mangilan-ngilan na nagreply(kahit na tatlong tao lamang talaga ang pinagsendan ko dahil alam kong masasayang lang ang aking pagod sa pag-iimbita at asahang silay sumama).at dahil nga may sumagot sa aking paanyaya, napagpasyahan kong ito'y panuorin narin. at eto nga dumating ang itinakdang araw, kakaunting oras na lamang matapos ang aking klase at kami'y manonood na.-pasporward-(5pm)nagkita-kita kami ng aking mga kaibigan sa sm center point(dahil narin ito ang pinakamalapit sa aming tinitirhan at upang hindi kami masyadong gabihin dahil may pasok pa kinabukasan) at doon nakita ko ang aking kaibigan sa pinag-usapang lugar kung saan kami magkikita-kita, di nagtagal dumating narin ang iba naming kasama.pasporward ulet(hahaba kasi pag detailed masyado) sa loob ng sinehan kaming lima ay nakarating na sa aming mga upuan. pagkaupo, naghanda na kami dahil sa ilang saglit lamang ay maguumpisa na ang pelikula. at nagsimula na nga ang palabas, kaming lima ay tahimik na nanonood(lalo na ako -_-), kaasar lamang at maingay ang mga tao na nakaupo sa aming likuran.natapos ang palabas at kasabay nito'y ang pagtatapos din ng muli naming pagkakasama-sama, masasabi kong naging masaya ang pagkakataong iyon,masaya ako dahil nakasama ko siya, silang muli kahit sa sandaling panahon. hayy sa ganito ko na lamang ito tatapusin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment