Saturday, January 10, 2009

bored + damn= bordemn

0 comments
hay nako buhay nga naman oo,bakit ba nitong mga nagdaang araw e wala akong magawa. as in tigang na tigang akosa buong maghapon,... mabuti na lang at natapos na ang mga quiz na pagkahirap-hirap.err,, sa wakas ay nakapag salu-salo ulit kami ng mga kaibigan kong mag aral(a.k.a."dota")masaya ang lahat (ako,avis,ayban,alec,huwigi,leyo,jaki,isama narin ang ibang 2-8/hindi ko na isinama sila angelo at homer kasi hindi naman sila maglalaro) dahil nakatapos kami ng tatlonggame. chamba namang 3 beses naman akong nanalo..

maiba naman ako sa ikinukwento ko dahil alam kong walang katuturan ang pagdodota.pero ito,isa pang walang katuturang kwento.. itong linggong nagdaan hindi ko lubusang mahinuha kung bakit ata kada araw ay may isang awitin ang pilit na aking iniisip (LSS or Last Song Syndrome). Eto ang mga awiting nagpabagabag sa akin sa nagdaang linggo.

Martes- In another life- d'veronicas
Miyerkules-In the ayer- flo rida
Huwebes- Hot n' Cold- katy perry
(biyernes at sabado walang pasok kaya lalo akong natigang -_- huhuhu)

oh ayan, haha dyan na muna magtatapos ang aking post sa gabing ito, :D

Wednesday, December 3, 2008

woah!

0 comments
*hindi ko ito ginawa, sana nga at gawa ko nalang ito, nahanap ko lamang ito noon pa sa google at muli ko itong nakita sa aking lumang wallet.


Let it be me...
there are many things i want to be
let me tell you in case you don't see
let it be me
because i want to be..
the shoulder you cry on when nothing goes your way
the person who tells you when no one else will say
the one to catch you whenever you may fall
if ever you need anything i'm at your back and call
the first thought you have upon waking
as long as you can give i'll keep taking
i want to be your joy when you have pain
your sunshine when you are soaked with rain
your strength when you are weak
the one who love to hear you speak
the reason for the smile upon your face
the one you run to when you have been disgraced
let it be me your reasoning when you are confused
your comfort when you feel you're being used
the one who holds you when you are afraid
the one who does the things you never said
let it be me because i know you see
let it be me.. because i want to be
let it be me because i love you..


-_- its just that i miss those times and i miss u -_-
laugh laugh laugh

ang ginaw -_-

0 comments
nitong ika-dalawampu't-anim ng nobyembre taong dalawang libo't walo'y magaganap ang pinakahihintay ng maraming tao. at ito ay ang pagpapalabas ng pelikulang "twilight" na hango sa isang aklat na may parehong pamagat. at ako ay isa sa mga taong pumila upang makabili ng tiket para panuorin ito.... mga tatlong araw bago pa man ito ipalabas, ako ay nagtext sa aking mga kaibigan kung sino ang nais sumama sa akin na manood ng twilight sa sine(para sa akin ay bago ito,dahil hindi naman talaga ako ang taong mahilig manood lalo na ang magbasa). sa pag-aakalang walang nais sumama kaya naisipan kong wag na lamang itong panuorin, ngunit matapos akong magtext ay may mangilan-ngilan na nagreply(kahit na tatlong tao lamang talaga ang pinagsendan ko dahil alam kong masasayang lang ang aking pagod sa pag-iimbita at asahang silay sumama).at dahil nga may sumagot sa aking paanyaya, napagpasyahan kong ito'y panuorin narin. at eto nga dumating ang itinakdang araw, kakaunting oras na lamang matapos ang aking klase at kami'y manonood na.-pasporward-(5pm)nagkita-kita kami ng aking mga kaibigan sa sm center point(dahil narin ito ang pinakamalapit sa aming tinitirhan at upang hindi kami masyadong gabihin dahil may pasok pa kinabukasan) at doon nakita ko ang aking kaibigan sa pinag-usapang lugar kung saan kami magkikita-kita, di nagtagal dumating narin ang iba naming kasama.pasporward ulet(hahaba kasi pag detailed masyado) sa loob ng sinehan kaming lima ay nakarating na sa aming mga upuan. pagkaupo, naghanda na kami dahil sa ilang saglit lamang ay maguumpisa na ang pelikula. at nagsimula na nga ang palabas, kaming lima ay tahimik na nanonood(lalo na ako -_-), kaasar lamang at maingay ang mga tao na nakaupo sa aming likuran.natapos ang palabas at kasabay nito'y ang pagtatapos din ng muli naming pagkakasama-sama, masasabi kong naging masaya ang pagkakataong iyon,masaya ako dahil nakasama ko siya, silang muli kahit sa sandaling panahon. hayy sa ganito ko na lamang ito tatapusin

Saturday, November 29, 2008

highlight

0 comments
Sa ngayon eto nalang muna dahil hindi pa ako makapag-isip ng mai-tatype. Alam kong malapit siya sa twilight(w/c is the reason why am I making this), wala lang. Eto about the picture (highlight) It was me who edited the original twilight cover but since myself doesn't have photoshop at my pc so I asked my friend("DANELLA LOUISE EGWARAS") to help me fix it. Big thanks to her for fixing it >:) haha.. We'll after all I think it looks nice(I'm not asking for your opinion so don't say it isn't look good)..

Sunday, November 16, 2008

ewan..

0 comments
Ewan.Ewan ko ba kung bakit hindi ako nakatulog kagabi magmula 12am hanggang 7am kanina.Nagpaikot-ikot nalang ata ako sa kama habang pinipilit makatulog.Pero habang tumatagal at habang pinipilit kong makatulog hindi ko namalayang mag aalas-siete na ng umaga. (wth) At hayun nga, napilitan akong bumangon ng kama mula sa aking pagkakahimlay upang magsimulang mag-ayos para sa P.E. kong basic basketball mamayang 9am.Maaga ang alas-sieteng pagbangon kumpara sa pagpasok bago mag alas-nuebe, pero ganoon talaga kailangan maaga para hindi malate at matrapik sa espanya..Matapos ang seremonyas ng paghahanda ako'y maglalakbay na patungo sa malayong unibersidad ng santo tomas.Magmula sa bahay sumakay ako ng tricycle papuntang blumentrit, at sa tagpong ako'y magbabayad na para maka-alis ay sinabi ng tricycle driver kung ako raw ay may barya.(wth manong bente na nga lang ang ibabayad ko tapos wala kapang panukli/ kung pwede lang bang sabihin yan sa kanya ee) Ewan ko ba kung bakit ganoon, siguro ako ang una niyang pasahero kung kaya't wala siyang baryang panukli pero kahit na tsktsk, buti narin lang at may kinse(15) pesos pa ako at iyon ang aking ipinangbayad sa abusadong,walang kwentang tricycle driver.Ngayong nasa blumentrit na ako , muli akong sumakay upang makarating sa unibersidad. Mga tatlong minuto lang ay agad akong nakasakay sa dyip, sa isip-isip ko ayos tong dyip hindi pa masyadong puno. Pumwesto ako sa bandang harapan upang hindi mahirapan sa pagbabayad. Pero ewan ko ba, dahil matapos kong makapagbayad ay biglang nagalit ang haring araw, sakto namang salung-salo ng aking likuran ang napaka-tinding sikat nito.(bakit ba hindi ako dun pumwesto sa kabila kung saan maluwag rin naman nako nako tsktsktsk) At sa wakas!Matapos ang ilang minuto at natapos rin ang paghihirap ko sa pag-inda sa napaka tinding sikat ng araw. Papasok na ako ng unibersidad ng mapansin kong may mga taong tila nakapila.Akala ko noong una ay ang mga taong ito at pupunta sa eng'g gaya ng nakasanayan para sa kanilang CWTS, ngunit saka ko nabatid na sila pala ay nagpaparada.Hindi ko na lamang sila pinansin at ipinagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa lugar na pagdadausan ng aming PE(P.Noval Court).Nadaanan ko ang bilding ng mga cfad at mga arch, may nakita akong nakalagay na mga istraktura sa may harapan ng kanilang bilding, nakasaad doon na ngayong linggo ay kanilang idinaraos ang CFAD week.(kaya pala may nagpapatug-tog at mga booths doon)Eto na, malapit na ako sa PNC(P.Noval Court)konting lakad na lang at ako'y makakaupo na.Habang papalapit ng papalapit, napansin ko ang dati kong kaklase at hindi ako nagkamali si leo nga iyong nakita ko na nakatayo(PE nga rin pala niya ngayon)kasama ng mga nag-aarnis.Ilang lakad nalang at makakaupo narin.Hay sa wakas at ako'y nag tagumpay!Ngayo'y naka-upo na rin ako pero pinili ko na yung lugar kung saan hindi ako maaarawan. At habang ako'y naghihintay para sa aming PE(dahil maaga pa ng ako ay makarating sa PNC) ay may napansin akong papalapit na 2 babae at isang lalaki. Napansin kong maganda yung isang babae,at ito'y aking pinagmasdan saglit at sinisigurado ko na hindi ito layogenic(ahahah) Nang makumpirma kong hindi nga siya isa sa mga layogenic e siyempre narito narin ako upang mag PE(ng solo dahil ako'y iniwan ng mga kasama ko noong nag-eenrol,loner for short) inasahan ko na sana ka PE ko siya. At kasabay ng paghiling bigla kong narinig ang pito na isang senyales na nagsasabing tapos na ang oras ng mga unang nag P.PE. Sa isip-isip ko, sa wakas makakapag PE narin, at magkakaalaman na kung ka-PE ko ang magandang dilag na ito. Sa di kalayuan, aking namataan ang kaklase ko noong 4th yr hs na aking ka PE ngayon at agad ko siyang nilapitan at niyayang pumasok sa PNC. Inihanda na namin ang aming sarili upang makapag simula ng PE. Tinanong ko ang kaklase ko kung may mga kaklase na siyang nasa PNC rin at isa-isa niya itong itinuro sa akin. At laking gulat ko ng itinuro rin niya ang babaeng kani-kanina lamang ay aking inaasahang maging kaklase. Siyempre hindi ko ipinahalatang natuwa ako at kaklase niya pala yung babaeng un. (*evil laugh >:)*)Biruin mo mga labing isa silang magkaklase sa ITHM na magkakasama sa PE(FYI 3 lang silang lalaki sa section nila at ang iba ay babae/sana ITHM nalang rin ako -_-) at ipinaliwanag sa amin ng aming propesor na tig-labing isa lamang sa bawat grupo anim na babae at limang lalaki. Kumpleto na kaming mga lalaki, at ang mga kababaihan niyang kaklase naman ay nagkahiwalay sa dalawang grupo dahil masyado silang marami. Habang namimili ng mga magkakagrupo sa isip-isip ko kagrupo kaya namin yung babaeng yon(sana >:)) at muli akong nagalak ng makita ko na isa siya sa anim na babaeng aming magiging kagrupo hahahah(*evil laf ulet).Lesson: Kung susuwertihin ka nga naman oo oh, minsan lang pero sulit rin :D (siguro ito ang kapalit kung bakit hindi ako nakatulog kagabi). paalam haha, wala eto lang ang aking maikwekwento ngayon dahil hindi ako masyadong palakwentong tao. Sana hindi ko makaligtaang mag blog pa, ingatz :D

paano?

0 comments
pano ba tong blog na ito? hindi ko malaman kung anong gagawin dito.