Ewan.Ewan ko ba kung bakit hindi ako nakatulog kagabi magmula 12am hanggang 7am kanina.Nagpaikot-ikot nalang ata ako sa kama habang pinipilit makatulog.Pero habang tumatagal at habang pinipilit kong makatulog hindi ko namalayang mag aalas-siete na ng umaga. (wth) At hayun nga, napilitan akong bumangon ng kama mula sa aking pagkakahimlay upang magsimulang mag-ayos para sa P.E. kong basic basketball mamayang 9am.Maaga ang alas-sieteng pagbangon kumpara sa pagpasok bago mag alas-nuebe, pero ganoon talaga kailangan maaga para hindi malate at matrapik sa espanya..Matapos ang seremonyas ng paghahanda ako'y maglalakbay na patungo sa malayong unibersidad ng santo tomas.Magmula sa bahay sumakay ako ng tricycle papuntang blumentrit, at sa tagpong ako'y magbabayad na para maka-alis ay sinabi ng tricycle driver kung ako raw ay may barya.(wth manong bente na nga lang ang ibabayad ko tapos wala kapang panukli/ kung pwede lang bang sabihin yan sa kanya ee) Ewan ko ba kung bakit ganoon, siguro ako ang una niyang pasahero kung kaya't wala siyang baryang panukli pero kahit na tsktsk, buti narin lang at may kinse(15) pesos pa ako at iyon ang aking ipinangbayad sa abusadong,walang kwentang tricycle driver.Ngayong nasa blumentrit na ako , muli akong sumakay upang makarating sa unibersidad. Mga tatlong minuto lang ay agad akong nakasakay sa dyip, sa isip-isip ko ayos tong dyip hindi pa masyadong puno. Pumwesto ako sa bandang harapan upang hindi mahirapan sa pagbabayad. Pero ewan ko ba, dahil matapos kong makapagbayad ay biglang nagalit ang haring araw, sakto namang salung-salo ng aking likuran ang napaka-tinding sikat nito.(bakit ba hindi ako dun pumwesto sa kabila kung saan maluwag rin naman nako nako tsktsktsk) At sa wakas!Matapos ang ilang minuto at natapos rin ang paghihirap ko sa pag-inda sa napaka tinding sikat ng araw. Papasok na ako ng unibersidad ng mapansin kong may mga taong tila nakapila.Akala ko noong una ay ang mga taong ito at pupunta sa eng'g gaya ng nakasanayan para sa kanilang CWTS, ngunit saka ko nabatid na sila pala ay nagpaparada.Hindi ko na lamang sila pinansin at ipinagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa lugar na pagdadausan ng aming PE(P.Noval Court).Nadaanan ko ang bilding ng mga cfad at mga arch, may nakita akong nakalagay na mga istraktura sa may harapan ng kanilang bilding, nakasaad doon na ngayong linggo ay kanilang idinaraos ang CFAD week.(kaya pala may nagpapatug-tog at mga booths doon)Eto na, malapit na ako sa PNC(P.Noval Court)konting lakad na lang at ako'y makakaupo na.Habang papalapit ng papalapit, napansin ko ang dati kong kaklase at hindi ako nagkamali si leo nga iyong nakita ko na nakatayo(PE nga rin pala niya ngayon)kasama ng mga nag-aarnis.Ilang lakad nalang at makakaupo narin.Hay sa wakas at ako'y nag tagumpay!Ngayo'y naka-upo na rin ako pero pinili ko na yung lugar kung saan hindi ako maaarawan. At habang ako'y naghihintay para sa aming PE(dahil maaga pa ng ako ay makarating sa PNC) ay may napansin akong papalapit na 2 babae at isang lalaki. Napansin kong maganda yung isang babae,at ito'y aking pinagmasdan saglit at sinisigurado ko na hindi ito layogenic(ahahah) Nang makumpirma kong hindi nga siya isa sa mga layogenic e siyempre narito narin ako upang mag PE(ng solo dahil ako'y iniwan ng mga kasama ko noong nag-eenrol,loner for short) inasahan ko na sana ka PE ko siya. At kasabay ng paghiling bigla kong narinig ang pito na isang senyales na nagsasabing tapos na ang oras ng mga unang nag P.PE. Sa isip-isip ko, sa wakas makakapag PE narin, at magkakaalaman na kung ka-PE ko ang magandang dilag na ito. Sa di kalayuan, aking namataan ang kaklase ko noong 4th yr hs na aking ka PE ngayon at agad ko siyang nilapitan at niyayang pumasok sa PNC. Inihanda na namin ang aming sarili upang makapag simula ng PE. Tinanong ko ang kaklase ko kung may mga kaklase na siyang nasa PNC rin at isa-isa niya itong itinuro sa akin. At laking gulat ko ng itinuro rin niya ang babaeng kani-kanina lamang ay aking inaasahang maging kaklase. Siyempre hindi ko ipinahalatang natuwa ako at kaklase niya pala yung babaeng un. (*evil laugh >:)*)Biruin mo mga labing isa silang magkaklase sa ITHM na magkakasama sa PE(FYI 3 lang silang lalaki sa section nila at ang iba ay babae/sana ITHM nalang rin ako -_-) at ipinaliwanag sa amin ng aming propesor na tig-labing isa lamang sa bawat grupo anim na babae at limang lalaki. Kumpleto na kaming mga lalaki, at ang mga kababaihan niyang kaklase naman ay nagkahiwalay sa dalawang grupo dahil masyado silang marami. Habang namimili ng mga magkakagrupo sa isip-isip ko kagrupo kaya namin yung babaeng yon(sana >:)) at muli akong nagalak ng makita ko na isa siya sa anim na babaeng aming magiging kagrupo hahahah(*evil laf ulet).Lesson: Kung susuwertihin ka nga naman oo oh, minsan lang pero sulit rin :D (siguro ito ang kapalit kung bakit hindi ako nakatulog kagabi). paalam haha, wala eto lang ang aking maikwekwento ngayon dahil hindi ako masyadong palakwentong tao. Sana hindi ko makaligtaang mag blog pa, ingatz :D